*Naalala ko nung bata pa ako mahilig kami ng mga kalaro ko na magusap usap tungkol sa mga katatakutan at kababalaghan. Ginagawa namin yun lalo na kapag brownout, tapos may dala kaming flashlight o kaya ay kandila at yung glow in the dark na rosary. Kanya kanyang kwento kahit na ung iba ay hindi naman talaga totoo at gawang isip lamang. Tapos may isa na bigla na lang iiyak sa sobrang takot at tsaka magtatakbuhan kanya kanya ng uwi sa mga bahay. Lumipas ang highschool pati college days magpahanggang ngayon hindi nawawala yang katatakutan lalo na pagkasama ang barkada. Ewan ko ba, mas iba ang bonding pag may halong konting kilabot.
Hitik sa kwento ng kababalaghan ang Pilipinas. Mayaman ang ating Mitolohiya sa mga nilalang na talaga namang pumukaw sa ating imahinasyon at nagsabog ng takot sa karamihan. Nandiyan ang Aswang na nagbabago-bago ng kanilang anyo, Bampira na sumisipsip sa ating dugo, Tiktik na kumakain ng sanggol sa sinapupunan, Sigbin na parang aso, nakabaliktad kung tumakbo at may malaking tenga, Tikbalang na kalahating tao at kabayo, Kapre na naninirahan sa mga puno at mahilig manabako, at mga elementong naninirahan sa tubig(sirena), lupa(duwende) at kakahuyan(diwata at mga engkanto).
a) Sigbin, b) Sirena, c) Diwata, d)Tiktik,
e) Aswang f) Bampira, g) Tikbalang,
h) Nuno sa punso
Bukod sa mitolohiya meron din tayong mga kwento tungkol sa mga ligaw na kaluluwa at mga haunted houses. Naalala ko dati nung nakatira pa kami sa Project 8 bago kasi makarating sa lugar namin dadaan ka pa sa isang Village. Sa July Street kami dumaan kasi iyon ang malapit na daan pauwi samin pero may kabang bumabalot
samin tuwing tatahakin namin ang daang iyon dahil sa abandonadong bahay
na na nakatirik sa dulong bahagi nito. May kalakihan ung bahay at yung
istilo nya eh gawa nung 80's, bato ung baba pero gawa naman sa kahoy
yung pangalawang palapag tipikal na may kayang pamilya. Halata na di na
aalagaan ito kasi wala ng kulay ung pintura at malalago na ang damo sa
paligid. Samu'-sari ang kwento na nakabalot sa bahay, minsan daw may
babaing makikita sa bintana sa taas na parang nakapangkasal, meron din
daw parang tumatawag sayo kapag ikaw ay nadaan at minsan din daw
nakabukas ang mga ilaw sa loob ng buong bahay. Kaya tuwing malapit na
kami sa bahay na iyon talagang kumakaripas na kami ng takbo dahil sa
takot.
Isa din sa ating kinatatakutan ay ang mga Mangkukulam o mambabarang na gumagamit ng kapangyarihang itim para pasakitan o kontrolin ung mga taong kinagagalitan nila. Ang pagtanggi sa pagkain o inumin na inaalok sayo ng isang taong di mo kilala ay marahil isa sa mga popular na paalala sa atin tuwing uuwi sa mga probinsya o maglalakbay sa mga di pamilyar na lugar, upang makaiwas umano sa pangkukulam o pambabarang. Ang tawag naman sa taong gumagamot sa mga nakulam o nabarang ay Albularyo na para na ding "Doktor" sa mga taong walang pera pampaospital.
a) Mangkukulam o mambabarang, b) Albularyo
Mahilig din tayong maniwala sa mga pamahiin na madalas nating naririnig mula sa mga matatanda tulad ng ating mga Lolo at Lola at magulang. Dapat daw baligtarin ang damit pang itaas kapag ikaw ay nawawala dahil maaring pinaglalaruan ka daw ng mga lamang lupa. Ang mga taong walang ulo sa litrato ay premonisyon na sila ay mamamatay na o may naka-ambang panganib sa buhay nila at kapag ikaw daw ay nakita ng walang ulo dapat mo daw sunugin ang iyong damit upang maputol ang kamalasang kasunod nun. Bawal din magpakasal ang dalawang magkamag anak sa loob ng iisang taon dahil iyon daw ay sukob at dapat daw ay dumura kapag nakakakita ng itim na pusa.
Naging usap usapan din noon ang mga kulto na naglipana sa maynila na kumukuha umano sa mga bata para gawing alay at ang ang mga kabataang sinasabihan ng mga ligaw na espiritu at pati daw mismo ng demonyo sa iba't-ibang panig ng bansa.
Maraming takot sa probinsyang Capiz at Siquijor dahil sa mga aswang at halimaw. Ang mala Bermuda Triangle na Sibuyan Island sa Romblon at ang tinatawag na Devil's Mountain Mt. Cristobal na nababalot sa hiwaga at di umanoy kumitil sa buhay ng mga taong naglakas loob na umakyat dito.
a) Sibuyan Island, b) Siquijor
c) Aswang Festival in Capiz, d) Mount Cristobal in Laguna
Siguradong marami sa atin ay minsang natakot sa mga ito. May ibang mga naniniwala dito at meron din namang kibit balikat lang. Ang malalim na imahinasyon nating mga pilipino ay sumasalamin ngayon sa ating kultura at sa ating pananampalataya.
Ikaw anong kwentong katatakutan mo?
*Agimat
Pls like our Facebook page: www.facebook.com/toastedbread1725




